DPWH ‘Favored Contractor’ Nasilip ng CCWI
October 17, 2022 | By Remate News ( ang Diaryo nang masa)
MULING iginiit ng isang anti-corruption watchdog sa Department of Public Works and Highways na ilabas ang iba pang detalye ng mga kontratang naibigay sa isang kontratista na umaabot ng bilyon-bilyong piso kahit wala pa itong natatapos na proyekto sa nakaraang higit 3 taon.
Sa isang sulat na ipinadala ni Carlo Batalla, pangu-lo ng Crime and Corruption Watch International (CCWI), kay DPWH Community Affairs Officer Andro Santiago, undersecretary for technical affairs Maximo Carvajal at Ma. Victoria Gregorio, ang officer in charge ng DPWH Procurement Service at head ng Bids Awards Committee (BAC) Secretariat, nitong Oktubre 13, 2022, ipinaalala rin nito na bilang isang DPWH-accredited ‘civil society organization’ (CSO), layunin ng kanilang grupo na matulungan ang DPWH sa misyon nitong manatiling ‘transparent’ ang operasyon nito, partikular na sa usapin ng bidding ng mga public works project. Nabigyan ng accreditation ang CCWI upang maging ‘observer‘ sa mga bidding sa DPWH sa termino ni DPWH secretary, Mark Villar.
Partikular namang hinihingi ng CCWI ang iba pang mga dokumento hinggil sa mga naibigay na proyekto sa ‘Vicente T. Lao Construction’ kung saan sa pinakahuling bidding, nabig-yan pa ito ng 2 kontrata na ang kabuuang halaga ay aa-bot sa high 1.5 bilyon. Sa mga paunang dokumentong nakalap ng CCWI, aabot sa 93 kontrata ang pa-unang nakuha ng kumpanya sapul pa noong 2019 subalit wala pang natatapos na kahit isang proyekto hanggang ngayon. Ang mga proyekto ay matatagpuan sa Mindanao, ayon pa kay Batalla. Batay pa rin sa mga dokumento, mayroon nang mga kontratang naibigay sa Vicente Lao Construction para sa taong 2023.
Batay sa probisyon rig RA 9184 o Procurement Law, ipinaalala rin ni Batafla ang pagbabawal sa patuloy na akredistasyon ng mga ahensiya ng gobyereno sa mga kontraktor na ang ‘slippage‘ o pagkabalam sa mga proyekto ay aabot sa 10 hanggang 15 porsyento. Sa mga dokumentong nakalap ng CCWI, may mga proyekto na hanggang nga-yon ay hindi pa rin nasisimu-Ian ng Vicente Lao Construc-tion subalit patuloy pa rin king nabibigyan ng kontrata ng DPWH.
Sa kanyang liham, kinontra rin ni Batalla ang argumento ni Gregorio na walang nangyayaring mga anomalya sa bidding ng DPWH dahil hindi agad nakapagsusumite ng ulat ang CCWI matapos ang mga bidding. Ipinunto ni Batalla na sa isang desisyon, matagal nang sinabi rig Korte Suprema na ang kawalan ng agarang ulat ay hindi pruweba na walang nangyaring anomalya kung may mailalabas na mga ebidensiya hinggil dito. Bukod sa DPWH, ang sulat ng CCWI ay nakarating na rin sa Ombudsman, Malakanyang at Philippine Contractors’ Accreditation Board. RNT